Alkalde ng Aliaga, Nueva Ecija iimbestigahan ng COA

UMAKSIYON na si Commission on Audit (COA) Chairman Heidi Mendoza para simulan ang imbestigasyon sa mga inihaing reklamo laban kay Aliaga, Nueva Ecija Mayor Marcial Vargas.

Noong Nobyembre 7 natanggap ni Mendoza ang mga reklamo ukol sa umano’y pang-aabuso at anomalyang kinasasangkutan ni Vargas.

Hindi umano sinunod ng alkalde ang salary grade allocation para sa mga konsehal na iniutos ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ng isang circular noong Hulyo 2008.

Tiniyak ni Mendoza sa Sanguniang Panglungsod (Municipal Council) ng Aliaga sa Nueva Ecija na kanilang aaksiyunan ang kahilingan ng konseho munisipal.

Ani Mendoza nag-isyu na siya ng isang memorandum order para sa Regional Director ng COA sa Region 3 sa San Fernando City, Pampanga para busisiin ang reklamo ng mga mamamayan ng Aliaga laban kay Mayor Vargas.

Inatasan din ni Mendoza ang COA Regional Office na isumite agad sa kanilang Fraud Audit and Investigation Office, Legal Services Sector (FAIO-LSS) ang resulta ng kanilang imbestigasyon gayundin sa kanyang tanggapan.

“We shall be furnishing you a copy of the report (Regional Audit Office) on the said request once the appropriate action is fully complied with,” paniniguro ni Mendoza sa mga residente ng Aliaga.

Naunang kinasuhan ng kanyang pitong konsehal si Mayor Vargas ng kasong grave misconduct and usurpation of legislative function sa Ombudsman noong nakaraang buwan kasunod ng kaparehong reklamo sa COA upang maimbestigahan ang umano’y maling paggamit nito sa pondo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply