Alkansyang Bayan inilunsad vs Palparan

NAGTIPON ang ilang maralitang kasapi ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa isang palengke sa komunidad ng maralita sa Quezon City.

Bilang protesta laban sa kawalang-aksyon ng administrasyon Aquino, maglulunsad sila ng isang Aklansyang Bayan upang makalikom ng pandagdag sa P2 milyong pabuya para sa mahuli ang tinatawag nilang Berdugong si Gen. Jovito Palparan.

Ayon sa lider ng Kadamay North Triangle na si Jocy Lopes, pabalat-kayo lamang ang ginagawa ng gubyerno ni Noynoy na pagtugis sa mga pangunahing tagapaglabag ng karapatang pantao sa bansa.

Halos isang taon na simula ng nagtago si Palparan matapos makasuhan hinggil sa pagdukot sa 2 estudyante ng University of the Philippines Diliman.

Katulad ng iba pang sektor, malaki ang pagnanais ng mga maralita na mahuli ang lider ng militar.

“Malaki ang magagawa ng pagdakip kay Palparan upang patunayan ni Aquino na sinsero siyang tapusin ang lumalang paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng kanyang administrasyon,” ani Lopez.

“Hindi namin panghihinayangang magbigay ng pisong barya para matigil ang paglabag sa aming karapatan,” dagdag ng lider-maralita.

Isa si Lopes sa 6 na lider ng North Triangle na sinampahan ng gawa-gawang kaso at nakulong noong Mayo dahil umano sa aktibo nilang pagtutol sa demolisyon ng kanilang komunidad.

Ayon sa grupong Kadamay, mas malala ang naging paglabag sa karapatan ng mga maralita sa ilalim ni Aquino. Kabilang na dito ang pagkawala ng tirahan ng hindi bababa sa 16,000 pamilyang maralita, pandarahas at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga lider-maralita.

Labing-isang mga progresibong lider-maralita at kasapi ng Kadamay umano ang pinaslang simula ng maluklok si Aquino sa Malacanang, kabilang na dito ang 7 maralita mula sa Metro Manila.

Bahagi ang aktibidad na ito ng isang linggong protesta ng mga maralita bago ang Araw ni Bonifacio laban sa tumitinding kahirapan, kagutuman at pambubusabos sa ilalim ni Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply