All-out ang suporta kay mister!

jessa-zaragoza

NAKAKWENTUHAN namin ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa Dayrit’s Burger and Roastbeef House sa Tomas Morato, Quezon City.

“Pelikula na lang ang hindi ko nagagawa ulit. Sana next year pero hopefully ‘yung magawa kong pelikula…’yung may katuturan naman. Hahaha! Hindi ‘yung for the sake na makagawa lang ng pelikula,” bungad ni Jessa dahil ngayon ay kasama siya sa seryeng Cielo De Angelina at Pepito Manaloto ng GMA 7 at may album siya sa GMA Records na Pag Wala Na Ang Ulan. Sa December 1 naman ay kasama siya sa bibigyan ng sariling bituin sa Walk of Fame ni Kuya Germs sa Eastwood.

Willing na rin daw siyang sumabak sa mga indie movies.

Ano naman klaseng role ang gusto niyang gawin?

“You know, honestly, may pelikula dapat na alok sa akin si Direk Gil  Portes. Kaya  lang hindi ko na talaga carry ‘yung… may bed scene, e! Hindi ako komportable. Sabi nga ni Arnold Vegafria, my manager baka naman si Dingdong lang ang dahilan.

Ang sabi ko, hindi..ako kasi ‘yung isasalang at hindi ako kumportable dun. Parang gusto kong magkaroon ng pelikula na puwedeng panoorin ng anak ko.

Pero kung kissing scene lang?

“Okey lang naman because sa soap, si Gary (Estrada), partner ko sa ‘Kokak,’ may mga kissing scene na ganon, siyempre naman sa TV, wholesome naman ang approach,” aniya pa.

Okey lang ba sa kanya kung mag-pose siya sa FHM gaya nina Eula Valdes at Jean Garcia?

“Okey lang naman kung ano …depende sa treatment. Siguro kung may concept na kumportable ako.

At siyempre, gus- to ko choice ko rin ‘yung photographer. Gusto ko kung gagawa ako nang ganun, kumportable rin ako sa mga katrabaho ko, sa kukuha sa akin. Kasi dapat pinaghahandaan rin ‘yun at alam mo ‘yung consequences ng ginawa mo.

“Ayaw ko naman sabihin ng anak ko na ‘Mom, Why did you do that?’ Siyempre nanay ka na, kung dati ‘yan, siyempre ibang case ‘yun. Ayaw ko naman na ikahiya nga anak ko ‘yung magazine, di ba?”

Paano kung magkaroon ulit sila ng second baby ni Dingdong?

“Kung sakaling dumating ‘yun, siyempre..family muna. ‘Yun ang priority ko kung sakaling mabuntis.

Pero sa ngayon, hindi pa po ‘yun ang plano namin. Choice naman naming kung bakit hindi pa sinusundan si Jayda (anak nila).”

Hindi ba naghahanap ng kapatid si Jayda?

“Ayaw niya. Ayaw. Gusto niya siya lang,” sey ni Jessa.

Kinumusta rin namin kung okey na sila ng kampo ni Sarah Lahbati pagkatapos ng tent isyu sa kanila. Tapos na kasi ang seryeng pinagsamahan nila.

“Hindi ko na siya nakikita. Pero alam mo, mabait naman sa akin si Sarah. ‘Yung tita niya nagkaroon kami ng kon -ting misunderstanding. Masasabi ko na iba na rin ang ugali ng mga bata ngayon kesa sa mga batch namin. Kami nina Ara (Mina), Angelu (De Leon). Mas iba na rin talaga. I guess dahil iba na rin ang showbiz ngayon, e! Ang laki ng ipinagbago, e,” sey niya na um-agree kami dahil ang layo na rin ang relasyon ng mga young stars ngayon sa press kumpara nu’ng That’s Entertainment days.

Samantala, hindi nao-offend si Jessa kung ginagaya ng mga bading ang boses niya at ini-impersonate siya sa mga comedy bar at gay bar at minsa’y pinaglalaruan.

“Sa totoo lang, kinikilig ako…okey lang ‘yun kasi pag nagi-impersonate ka kailangang i-exagg mo, di ba? Like, nung nasa Pepito Manaloto taping ako, parang may grupo ng carolers kunwari, mga bata pa sila. Tapos niloloko ako, ginagaya ‘yung boses ko. So, compliment sa akin ‘yun, e! Hindi ako nao-offend. Parang sign sa akin ‘yun na nandon pa rin sa isipan nila ‘yung mga awitin ko.

“Nakatutuwa..pag nagco-concert kami ni Dingdong sa abroad or kahit rito sa Pilipinas, everytime na kantahin ko ‘yung ‘Bakit Pa?’ kahit intro pa lang.. wow sabi ko parang 1997 ba ito? Nakatutuwa,” reaksyon pa niya.

1992 nagsimula sa ‘That’s Entertainment’ si Jessa kaya 20 years na siya sa showbiz? Palagay niya bakit umabot siya ng ganyang taon sa showbiz at nandiyan pa rin siya?

“Siguro..gaya ng sinabi ko kanina, I guess malaking factor ‘yung pagiging original mo para matandaan ka ng tao. Mas maa-appreciate nila kung ano ‘yung talent mo. Kasi, kung pare-pareho lang sa iba, madali kang makali- limutan, di ba?”

Ano naman ang secret nila ni Dingdong na masaya ang marriage nila at nagtatagal? Naintriga na rin sila at na- pabalitang hiwalay noon.

“Eleven years na kami,” tumatawa niyang sagot.

“‘Yung relationaship naman namin ni Dingdong, hindi naman talaga ‘yung perfect. Meron rin kaming times na nagkakaroon kami ng disagreement. Nag-aaway rin kami. I guess, ‘yung communication, we communicate sa isa’t isa kahit meron kayong di mapagkasunduan and ‘yung humility sa aming dalawa. Bago siya matakot sa akin, matakot muna siya sa Diyos bago siya gumawa ng kababalaghan, di ba?,” aniya pa.

Binabalikan rin daw nila ‘yung hirap na pinagdaanan nila sa Amerika dahil silang dalawa lang dun. ‘Yung adjustment ng buhay nila hindi gaya sa Pinas na marami silang assistant.

“Kumbaga, nagsimula rin kami sa Amerika na maglaba, mag-plantsa, naglinis ng inidoro. Ha!ha!ha! Ganoon naman talaga ang buhay sa Amerika because wala naman ibang gagawa for you. Pag nagko-concert kami, bitbit namin ang mga gamit namin,” kuwento pa niya.

Ang sikreto niya na sexy pa rin siya kahit may isa na siyang anak at hindi mukhang losyang?

“Kailangan. Actually, pakiusap ni Dingdong sa akin ‘yun bago pa kami ikasal, ‘Sana naman hon ‘wag kang magpa- taba’. May laman naman ako ngayon pero hindi naman ‘yung taba..kasi ibig sabihin nu’n talagang pinabayaan mo na ‘yung sarili mo na tumaba ka. Dapat  you have to look desirable sa husband mo,” sey pa niya.

Ikinuwento rin ni Jessa na magiging abala siya next year sa pagsuporta sa kandidatura ni Dingdong bilang Vice Governor ng Siquijor. Dun raw talaga ang pamilya ni Dingdong. Ang lolo niya ang unang doctor sa Siquijor tapos ‘yung daddy niya ay dating mayor ng Siquijor.

“Passion niya talaga ‘yan, e! Sabi ko nga ‘yung suweldo niya riyan, isang show lang niya. Pero gusto niya tala -ga ang public service. Gusto niya talaga na maging part ng pag-develop ng Siquijor. Hindi madali ‘yan kasi po-problemahin rin niya ang problema ng mga tao,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply