Allen sumiklab sa Heat

ANGAT ng isang puntos ang Denver Nuggets may 14.1 segundo na lang ang nalalabing oras sa final canto, tumawag ng timeout ang Miami Heat.

Ang diskarte ni Heat coach Erik Spoelstra ay hawakan superstar LeBron James ang bola at ang gagawin ay isalaksak o ipasa.

Pag-drive ni James ay nag help defense si Nugget  forward Corey Brewer kaya naiwanan nito si Ray Allen.

Nasulyapan ni James si Allen kaya ipinasa nito ang bola upang isalpak ang pamatay na four-point play para sa 119-116 panalo ng Heat kontra Nuggets sa

nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

”LeBron found me,” sabi ni Allen matapos ang kanyang ikatlong laro sa Miami. ”It was curtains.”

Si Chris Bosh ang umarangkada sa opensa para sa Heat na may 40 puntos at pitong rebounds habang ang dating Boston Celtics star player, Allen ay nagkamada ng 23 points, limang rebounds at dalawang steals.

”We’ve been on the other end, as the recipient of that type of pain, in the locker room when he puts the dagger to your heart with a 3 – and the and-one, just for the heck of it,” ani Spoelstra. ”Do we expect him to do that every single night? That’s not necessarily what he has to do. It’s what he’s done his whole career, but he’s found a way to fit in.”

Nag-ambag si three-time MVP James ng 20 pts. habang bumakas si Dwyane Wade ng 14 puntos.

Hindi maitago ni Allen ang saya matapos ang laro matapos siyang bigyan ng high five ng kanyang mga bagong teammates.

”As I stepped up to the free-throw line, I was like, ‘Please make this free throw,”’ wika ni Allen. ”It’ll be a better story to tell.”

Nagtulong ng tig 22 puntos sina Andre Iguodala at Danilo Gallinary subalit kinapos pa rin.

Sa ibang NBA resulta, sinilat ng New Orleans Hornets ang Chicago Bulls, 89-82 habang pinisak ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets, 95-85.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply