Ama hinataw ng anak, tigbak

crime3

NAPATAY ng isang anak ang kanyang sariling ama makaraang hatawin nito ng kahoy na madre cacao nang maulinigang inaaway ng biktima ang kanyang live-in partner sa Laoag City.

Palo sa ulo ang siyang ikinasawi ni Wilson Cac, 61, may asawa at walang trabaho habang nakilala ang suspek na si Edison Cac, anak ng biktima, 33, construction worker at may live-in partner, kapwa residente sa naturang barangay.

Nabatid na naalimpungatan ang suspek sa away ng kanyang ama at ang kanyang live-in partner.

Dahil sa pagkabigla, agad kumuha ng kahoy ng madre de cacao na panggatong at saka hinataw ang kanyang ama sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan pati na rin ang kanyang ulo na dahilan ng kanyang kamatayan.

Inamin naman ng suspek ang krimen at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa sobrang galit sa ama bunsod ng palagiang pag-away nito sa kanyang live-in partner at pinapaalis pa sila.

Nasa kustodiya na ng PNP Paoay ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply