Ama pinagtataga ng anak na may sayad, tigbak

DAGLIANG kamatayan ang inabot ng isang ama matapos siyang salakayin at pagtatagain ng kanyang anak sa loob mismo ng kanilang tahanan sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa ulat ng pulisya.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, nabigla ang biktima na kinilalang si Pepito Dy Sr. ng Barangay Bibingcahan, Sorsogon City, Sorsogon ng biglang salakayin siya ng anak.

Sinasabing may sakit sa pag-iisip ang suspek na si Pepito Dy Jr., 27 taong gulang, kaya blanko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang.

Kaagad naman na naaresto ang suspek at pansamantalang naka-piit sa Sorsogon City Police Station.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply