Ama pinagtulungang patayin ng anak, pamangkin

PINAGTULUNGAN patayin ng anak at pamangkin ang isang ama matapos itong pagbabarilin malapit sa bahay ng isang alkalde sa Barangay Leones East, Tubao, La Union.

Kinilala ang biktima na si Jaime Diaz, 44, residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat ng La Union Police Provincial Office, nadakip agad ang dalawang suspek na kinilalang sina Jamichael Diaz, 22, anak ng biktima at ang 33-anyos na pamangkin nito na si Kent Panelo nang tangkain ng mga ito na tumakas matapos ang krimen.

Nakuha mula sa crime scene ang kalibre .45 baril na hawak pa umano ng nakahandusay na biktima, habang isang kalibre .38 baril naman ang nakumpiska mula sa anak nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo kaugnay sa pangyayari.

Samantala, nabatid na palaisipan din mula sa mga kaanak ng tatlong nabanggit ang nangyaring krimen dahil wala naman umanong nabubuong hidwaan sa pagitan ng mga ito.

Una rito, ang bayan ng Tubao ang itinururing umano ng mga awtoridad ng pinakamagulong bayan sa lalawigan ng La Union dahil sa mga nangyayaring karahasan at iba pang pamamaril sa naturang
lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply