Ama todas, mag-iina sugatan

dead

NAKURYENTE ang isang padre de pamilya habang sugatan naman ang mag-iina nito nang mabuwal ang isang poste ng kuryente sa Davao del Sur nitong Sabado ng gabi (Nobyembre 10).

Dead on the spot sanhi ng tinamong third degree burn sa buong katawan ang biktimang si Jomar Condong, 36-anyos residente ng Jose Abad Santos, Davao del Sur.

Isinugod naman agad sa isang municipal hospital sa Glan, Sarangani province sanhi ng pagkasunog sa kanilang paa hanggang sa binti ang mag-iinang sina Zenaida, 31-anyos, Mark 12 anyos, Jayson, 2 at Romero, 1 taong gulang.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6:30 nitong Sabado ng hapon sa isang kalsada sa Jose Abad Santos.

Bago ito, magkakasabay na naglalalad sa kalsada ang pamilya Condong nang biglang mabuwal ang poste ng kuryente sa kanilang dinadaanan.

Dahil umaambon at basa ang kalsada, nakuryente ang pamilya Condong pero mas napuruhan ang kanilang tatay na si Jomar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply