Aman Futures kinasuhan ng SEC sa DoJ

KINASUHAN ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng kasong paglabag sa RA 8799 o Securities Regulation Code ang Aman Futures Group Philippines Incorporated at pitong opisyal nito sa Department of Justice.

Ang mga kinasuhan ay sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, William Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez.

Ang pagsasampa ng kaso ng SEC ay matapos madiskubre at lumitaw sa imbestigasyon ng SEC na walang lisensya na mag-operate ang kompanya ng investment contract.

Ayon kay Atty. Ricardo Delos Santos III, nakatanggap ang SEC ng endorsement letter mula sa Department of Trade and Industry (DTI) noong Oktubre 15, 2012 na humihiling na imbestigahan ang pag-aalok ng Aman sa Pagadian City ng 30% hanggang 60% interes sa investment.

Nalaman na isang Serafin Barreto ang siyang humiling na imbestigahan ang investment scam na umabot na sa bilyong halaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply