American election

HABANG sinusulat ko ang kolum na ito ay abala ang America sa pagkuha ng datos kung sino ang susunod na Pangulo ng Estados Unidos.

At sa aking pagsubaybay ng halalan sa major media international outlets, tulad ng CNN, hindi ko maiwasang maikumpara ang bansa ni Uncle Sam sa Pinas.

Malayong-malayo ang bayan ni Mang Juan at Aling Maria kung pag-uusapan ay ang pagpili ng mga lider ng bansa.

Sa U.S. of A, hindi angas ng mukha kundi pigura ng utak ang basehan ng mga botante kung sino ang kanilang pipiliing mamumuno.

Nasusukat ang kuwalipikas-yon ng kandidato sa mga isinasa-gawang debate sa iba’t ibang isyu nakaugnay sa kanilang  buhay.

Kaya nga ilang araw bago ang election, humaharap ang dala-wang Presidential candidate sa mga Amerikano para magpamalas ng kaalaman.

Ginagawa ang serye ng de-bate sa isang lugar na dinadaluhan ng mga botante kaya napaka-well organized ang tagisan ng talino ng dalawang presidentiable.

Sa America, napakalaki rin ang role ng media, lalo ang broad-cast networks, partikular ang telebisyon dahil dito nagdede-pende ang voters na ‘di  makapu-punta sa mga debate venue.

Sa panahon ng kampanya, walang maririnig na pinag-uu-sapan sa sirkulo ng media sa USA kundi ang paghimay sa mga la-man ng nagdebateng presiden-tiables. Ito’y para – marahil – mabigyan ng kakulang gabay ang mga botante na kulang pa kung magbigay ng konklusyon sa mga isyu ng bayan na tinatalakay sa mga debate.

Pagkatapos ng election, magaan na tinatanggap ng sumemplang na kandidato ang kanyang tadhana, tinatawagan nito ang nagwaging kalaban at kino-congratulate.

Hindi tulad sa Pinas na hinaharang  ng talunan ang nanalo kaya ang resulta: kundi labanan sa korte, sagupaan at patayan ng magkabilang kampo.

Isa pang nakaiinggit ay ang pagbabalewala ng mga Kano sa paggamit ng sobrang campaign materials na nagiging basura pagkatapos ng election.

Sa kanila, nagkakasya na ang ilang placards tuwing debate na nagbabahagi ng positibong posisyon  tulad ng ‘forward’ at ‘change’ nina Obama at Romney.

Sa bansa natin, kaliwa’t kanang tarpaulin at billboard ang  nakakalat at nakabitin sa mga poste at kawad ng kuryente na dahilan pa kung minsan ng su-nog. Ang maganda pa, habang lumalaon ang election sa bansa ni Uncle Joe, natututo ang mga botante, kaya lalong nagiging super power ang USA.

‘Di gaya sa bayang magiliw natin, sorry sa lengguwahe ko – na tila, walang pinagkatandaan sina Mang Juan at Aling Maria.

Yan ang kototohanan kaya nalilinya pa rin tayo sa mga ‘super kawawang’ bansa na binu-bully ng China dahil sa election lang ay ‘di pa natin maiayos.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply