AMLC, bangko, kinalampag ng Palasyo

mcanang

UMAPELA ang Malakanyang sa mga nabiktima ng Aman Futures sa kanilang pyramid scam na huwag nilang ilagay sa kanilang kamay ang batas.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, makabubuting ipaubaya na lamang kayInterior and Local Government Secretary Mar Roxas ang lahat para mapagtagumpayan nila ang hustisya.

“We reiterate our appeal to the investors not to take the law into their own hands. The authorities are moving quickly on this,” ani Valte.

At ang direktiba ni Pangulong Aquino na agad na resolbahin ang usaping ito.

“The law enforcement agencies are coordinating even with the officials in Malaysia where the President of Aman Futures is said to have gone. So we are coordinating with the officials there, with the help of the Philippine Embassy in Malaysia to determine the whereabouts,” aniya pa rin.

Sa ulat, kinalampag na ng gobyerno ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) para alamin pa ang  mga natitirang ari-arian ng Aman Futures dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Roxas na layunin nitong malaman ng gobyerno kung sapat ang properties para punan ang malaking utang ng kompaniya sa ating mga kababayan.

Matatandaang hindi na nagpakita ang pinuno ng Aman Group na si Manuel Amalilio at sinasabing nasa Malaysia na makaraang makuha ang bilyong halaga ng investment.

Para sa Kalihim, dapat gawing mabilis ang proseso ng pagtukoy sa mga ari-arian ng Aman Futures upang hindi na ito maipuslit ng mga opisyal ng pyramiding group.

Maging ang Bankers Association of the Philippines ay kanila na umanong hiningan ng tulong para sa paghahanap ng mga natitirang properties na konektado sa kompaniya at mga opisyal nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply