Amores umarangkada sa Batang Pinoy

NAGPARAMDAM agad ng tikas ang host Province ng humataw sina Jason Saavedra at Jelza Maey Amores sa lawn ten­nis singles event sa pagbubukas ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commis­sion Batang Pinoy 2012 Mindanao leg sa Dapitan City kahapon.

Pinalo ni Saavedra isang silver medalist sa Palarong Pambansa nakaraang taon, si Steve Mag­hanoy ng Zamboa­nga Sibugay, 8-3 upang makaabante sa second round ng boys singles.

Sampa sa semifinal round si Amores, kumuha ng bye sa first round, matapos gapiin si Kyla Kiezl Diaz ng Zamboanga City, 8-4, sa girls singles competition.

Makikipaghatawan si Amores kay Diadem Sasota ng Cotabato na nagposte ng 8-3 panalo kontra kay Franchette Faye Helar ng Zamboanga, Sibugay.

Maghaharap din sa semis sa girls singles sina Alliah Elline Ragunton ng Co­tabato na tinalo si top seeded Mary Rose Bael ng Dapitan City, 8-1, para makaharap niya si Rosuel Anne Binondo ng Davao del Norte na nagpatalsik kay Jed Vallie Rayne Aquino ng Davao del Norte, 8-6.

Nalaglag naman ang mga kakampi nina Saavedra at Amores na sina Jerry Bagabuyo, Rolly Elopre at Arnelo Gallemit sa kani-kanilang mga laro sa first round nang matalo kina Jeff Balatero ng Tangub City (8-2), Paul Chyrel Dandado ng Siocon (8-2) at Junel Canal ng Agusan del Sur (8-0), ayon sa pag­ka­ka­sunod.

Sa badminton, umabante sa second round si Art Villanueva ng Zamboanga matapos ang 21-11, 21-17 panalo kay Dapitan City bet Paul Tacbayan.

Ngayong araw uumpisahan ang mga labanan sa swimming competitions at field events sa athletics.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply