ANAD partylist nagpasaklolo na rin sa SC

ISANG temporary restraining order (TRO) ang nakatakdang ihain  sa Supreme Court ng ANAD  Partylist matapos ma-disqualify ng Commission on Election.

Ayon kay ANAD Partylist Rep. Pastor Alcover na tulad ng ibang party-list ay huling pag-asa na lamang nila para maipaglaban ang partido ay ang pagsaklolo sa Korte Suprema.

Giit ni Alcover na mistulang  pinaglaruan sila ng Comelec  matapos na gawing basehan ng komisyon  ang hindi daw nila pagpa-file ng statement of contribution and expenditures noong 2007 gayong inihain nila ito noong June 12 2007.

Naghain din ng isang esolusyon ang ANAD sa Kongreso para isulong ang pagpapa-imbestiga ang mental fitness diumano ni Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Ayon kay Alcover, ang pag-uungkat sa kakayahang mentalidad ni Brillantes ay dahil sa pagsasabing isang “joke” ang mga party-list gayong ang Comelec naman noong una ang pumayag at nagdesisyong patakbuhin sila sa halalan.

Sinabi pa ni Alcover na dahil sa mental instability umano ni Brillantes ay pinaglaruan lamang sila ng Comelec.

Hamon ni Alcover kay Brillantes na isapubliko nito ang kanyang psychological profile dahil sa mga inilalabas nitong pahayag at paiba-iba na ring desisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply