Andi galit na sa boys!

andi-eigenmann

“I hate boysssssssss.” Ito ang ipinoste ng young actress na si Andi Eigenmann sa kanyang Twitter account kasunod ng lumabas na interview ng pep.ph sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Sa artikulong lumabas sa naturang website, sinabi ni Jake na may kinalaman ang hiwalayan nila ni Andi sa pahayag ng nanay nitong si Jaclyn Jose.

Bago ito, magugunitang sa isang panayam ay sinabi ni Jaclyn Jose na hadlang sa pagmamahalan ng dalawa ang mga magulang ni Jake na sina dating President Joseph Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez. Ani Jake ang mga pahayag ni Jaclyn Jose ay naglagay sa kanyang mga magulang sa “bad light.”

Sa naturang panayam sinabi rin ni Jake na at one point ay pinagsabay silang dalawa ni Albie Casino ni Andi.

Ayon kay Jake naging sila ni Andi noong matapos ang relasyon nito kay Albie. Ngunit nag-away sila bago siya pumunta sa London (doon siya nag-aaral) at pagbalik niya sa Pilipinas ay nagkabalikan sina Andi at Albie. Aniya hindi sila naghiwalay ni Andi at nilinaw na nag-away lang. Hindi naman niya hiniwalayan si Andi at kasunod nito ay nabuntis ang aktres kay Albie.

Sa mga tweet ng aktres, tila kumambiyo ito ngayon at ipinagtanggol ang kanyang nanay at sinabi na totoo ang mga naging pahayag nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply