Ang bait ni Brad Pitt!

WOW, ang bait ni Brad Pitt: Nag-donate siya ng US$100,000 sa organisasyong Human Rights Campaign para gamitin ito specifically sa kampanya para magwagi ang same sex marriage sa plebisito sa apat na states sa Amerika ilang linggo mula ngayon. Sa Maine, Massachussets, Maryland, at Washington gaganapin ang plebisito.

Nag-donate siya ng pera kahit na tutol siya sa plebisito. Dapat raw ay hindi na kailangan ang plebisito. Dapat raw ay automatic nang tanggapin ng mga pamahalaan at ng sambayanan ang karapatan ng mga bading, tomboy. transgender, at bisexual na magpakasal sa kapwa nila dahil human rights nila yon.

Malaking pera ang kailangan para magkampanya sa madla na iboto ang same sex marriage sa state nila.

Dito sa atin, parang hindi aligaga ang mga bading at tomboy na magpakasal nang ligal sa mga karelasyon nila. Eh kasi naman, ibang klase ang mga gay and lesbian relationship sa atin. Hindi naman kasi love relationship yon kundi financial relationship at career move.

Karamihan sa mga bading natin ay mga lalake ang karelasyon. Mga lalakeng ang pangarap ay maging stable financially sa tulong ng mga bading–para makapagpakasal sila sa mga babae. Tiyak na ang layunin rin ng mga babaeng karelasyon ng mga lesbyana ay makapag-asawa ng mga lalaking may nota na mas makapagpaliligaya sa kanila sa kama.

Kaya paano magkakaroon ng movement rito sa bansa para kilalanin ang same sex marriage gayung wala namang lalaking gustong maging legal spouse ng bading at wala ring babaeng gustong maging legal conjugal partner ng lesbyana.

Iba naman kasi ang gay and lesbian relationships sa Amerika. By definition, parehong bading o parehong lesbian ang magkarelasyon.

Equal relationship yon. Di sila magkarelasyon dahil financially dependent yung isa. Sa Pilipinas, ganu’n ang gay relationship: pera-pera, pabor-pabor. Maraming mapera at maimpluwensyang bading sa bansa na di lang kayang bumuhay ng isang lalake at ang pamilya nito.

Kaya rin ng bading na ipasok sa trabaho ang kapatid, pinsan, at kaibigan ng lalakeng binubuhay n’ya. Ganu’n katindi ang ilang bading sa bansa.

Ganung klaseng relasyon siguro ang ipakikita sa stageplay na Sayaw ng mga Senyorita na itatanghal ng Gantimpa- la Theater sa Cultural Center of the Philippines ngayong Nobyembre bilang bahagi ng National Theater Festival. Gaganap ru’n ang mga bading na direktor na sina Soxy Topacio at Joel Lamangan, ang comedian-scriptwriter na si Manny Castańeda, at ang comedian-TV host na si Arnel Ignacio. Mula ito sa panulat ng bading na director-script -writer na si Joey Reyes Javier.

May mga lalaking aktor rito sa cast. Mga lalaking sa mga indie film pa lang napanonood. Mga lalaking karamihan ay alaga ng mga bading, binubuhay, at ibinabahay pero kailanman ay hindi magpapakasal sa kanila. Mga lalaking nagpapa-pictorial nang naka-underwear kasama ang mga gurang na bading may kinalaman man sa karakter nila sa stage play ang paglisaw nila ng naka-underwear.

Pero may happy real gay relationship rin naman among celebrities.

Parehong gay sina Boy Abunda at Bong Quintana. As far as everyone knows in showbiz, gay rin yung aktor na matagal nang ka-live-in ni Direk Joel Lamangan. Gay rin yung 20 years nang ka-live in ni Ricky Reyes, although Ricky allows his partner to project a male image by calling him “papa.”

May isang box office comedy director na may mainstay second-lead actor sa mga pelikula n’ya. The industry knows na lover ni direk yung aktor na yon na parang never na nagka-girlfriend, so baka closet queen yon.

May five years na rin yata ang relasyon nila ni direk.

Gay ang mga yumaong National Artist for Film na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal. Kung buhay sila, mangampanya kaya sila for same sex marriage law sa Pilipinas? Pero mga lalaki ang alam naming nakarelasyon nila noon ‘di kapwa bading nila.

Baka ibang causes and advocacies ang isulong nila, at hindi same sex marriage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply