Ang Free College Exam Bill

trending ngayon

PUMASA na sa second reading ang House Bill No. 6577 o Free College Entrance Exam Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nilalaman ng panukala ang pagkakaloob ng free college entrance examinations sa graduating high school students, high school graduates, at transferees na nagnanais makapasok sa state universities and colleges at mga lokal na kolehiyo at unibersidad.

Nakasaad din dito na hindi na kailangang magbayad ng college admission fees sa private schools ang mahihirap na public high school students na kabilang sa nangungunang 10 porsiyento ng kanilang graduating class.

Ang pag-alis sa entrance exam fees ay magbibigay ng oportunidad sa mahihirap na estudyante na makapasok sa mahuhusay na paaralan kung saan mayroong scholarships at iba pantulong-pinansiyal.

Naniniwala ako na ang HB 6577 — ang konsolidasyon ng aking inakdang HB 6262 at HB 5186 na nilikha naman ni Taguig Rep. Sigfrido Tinga — ay makatutulong sa ating pagbaka laban sa kahirapan.

***

IBANG pakikibaka naman ang isinulong ni Andres Bonifacio.

Kahit nahinto si Bonifacio sa pag-aaral dahil sa kahirapan, hindi ito naging hadlang para matuto siyang magbasa at magsulat. Natutunan din niya pati ang wikang Espanyol.

Nakahiligan niyang basahin at sulatin ang mga paksa tungkol sa Bayan, kalayaan at mga karapatan.

Dahil sa diwa niyang mapaghimagsik, naitatag niya ang Kataastasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o ang Katipunan na nagsulong ng kasarinlan ng Bayan at kalayaan ng mahihirap na Filipino.

Sa darating na ika-30 ng Nobyembre ay ipagdiriwang ng buong bansa at mamamayan ang ika-149 kaarawan ni Bonifacio – ang pinuno ng rebolusyong 1896.

***

GUSTO kong pasalamatan sina House Speaker Sonny Belmonte, Majority Floor leader Boyet Gonzales, Minority Floor leader Danilo Suarez, at ang aking mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa kanilang pagsuporta at pagpapakita ng determinasyon na maisabatas ang Free College Entrance Exam Bill na alam namin na mabibiyayaan ang marami sa ating mamamayan.

***

ISIPIN natin na hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Bonifacio pero malaki ang kanyang naimbag sa kasaysayan ng bansa at lipunang Pilipino, ano pa kaya kung nakakuha siya ng degree sa kolehiyo?

Nagpupugay ako at ang Trending Ngayon sa dakilang rebolusyonaryo!

Para sa mga reaksiyon at komento, mag-email sa sonny@-sonnyangara.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply