Ang kawawang Pinoy nurses at teachers

trending ngayon

NAGBIGAY ng babala sa publiko ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa scam na kumakalat sa pamamagitan ng e-mail na inaalok ang Pinoy nurses ng trabaho sa mga ospital sa Toronto, Canada.

Ayon sa DFA, laman ng e-mail ang imbitasyon sa Pinoy nurses na magpunta sa Makati para sa coaching interviews ng staff ng mga naturang ospital (tulad ng Shouldice Hospital) para maihanda sila sa interview ng Canadian embassy sa Manila.

Pero hindi libre ang coaching interviews. May bayad itong P3,888 na ipadadala sa pamamagitan ng Western Union.

Nabulabog ng hindi bababa sa 100 e-mails at phone inquiries ang Shouldice Hospital mula sa Pinoy nurses na nagnanais makapagtrabaho rito.

Inihayag ng Shouldice Hospital na hindi nanggaling sa kanila ang e-mail at hindi legal ang representasyon ng hindi nakilalang recruitment agency.

Inaalam pa ng mga nakatokang ahensiya kung ilan ang bilang ng aplikanteng Pinoy nurses ang nabiktima ng e-mail scam.

***

NOONG kalagitnaan ng kasalukuyang taon, muli kong ipinanawagan ang nararapat na pagtaas ng sahod ng Pinoy nurses at teachers kasabay ng paglalabas ng pambansang gobyerno ng fourth tranche ng salary increase na nakasaad sa Salary Standardization Law III o SSL III.

Sa ilalim ng SSL III, ang minimum na sahod ng public school teachers ay P17,255 (SG 10) lamang habang ang government nurses naman ay tumatanggap lamang ng P18,549 (SG 11).

Pero nakasaad sa Nursing Act of 2002 o RA 9173 na P24,000 (SG 15) ang dapat na minimum na sahod ng government nurses pero hindi ito nangyari sa ipinatupad na SSL III.

Aking ipinapanukala sa ilalim ng House Bill No. 5780 na gawing SG 15 ang minimum na sahod ng Pinoy nurses habang isinusulong ko naman sa ilalim ng House Bill 395 na gawing SG 19 ang minimum na sahod ng Pinoy teachers.

Patuloy ang exodus ng Pinoy nurses at maging ng Pinoy teachers patungong ibang bansa kung saan ang mga gobyerno roon ay nagkakaloob ng mataas na sahod at mga insentibo sa kanilang mga mamamayan.

Ang nurses sa US ay sumasahod ng hanggang katumbas ng P230,000 per month at malaki ring di-hamak ang sahod ng teachers doon.

Bilang chairman ng House committee on higher and technical education, aking binibigyang-diin na nararapat ang pagtaas ng sahod ng Pinoy nurses at teachers para mahikayat sila na manatili na lamang sa bansa.

Malaki ang ginagampanang papel ng Pinoy nurses at teachers para sa pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan tungo sa pambansang pag-unlad.

Hindi pa naman huli ang lahat.

***

Para sa mga reaksiyon at komento, mag-e-mail sa sonny@sonnyangara.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply