Ang Manila Zoo

NAPAKA-“UNFRIENDLY” ang Manila Zoo sa mga hayop na nakakulong doon.

Ito ang tumambad sa akin nang bisitahin ko ang pamosong zoo kamakailan. Nakita ko na walang halos pagbabago dito simula noong dekada 90. Oo nga’t mura ang entrance fee, lalo na kung ang papasok ay residente ng Maynila, pero hindi ito palusot para manatiling magulo, marumi at luma ang mga pasilidad ng Manila Zoo.

Malayong-malayo sa pagiging kulelat ang Manila Zoo kung ikukumpara ito sa mga zoo sa ibang bansa, tulad halimbawa ng Singapore at Malaysia.

Isa pang napansin ko ay ang nagkalat na mga basura lalo na yung plastic bottles at wrappers. Ultimong ang mga kulungan, halimbawa ng mga unggoy, ay may makikitang basura at mga plastic na bagama’t pinaglalaruan ng mga hayop ay lubhang mapanganib para sa kanila lalo na kung ito’y kakainin nila.

Marami ring coin na nagkalat na tila ginagawang wishing wells ang mga open aquarium at iba pang katawang tubig sa loob ng zoo. Ang mga coin na ito ay tiyak na nagkakaroon ng chemical reaction sa tubig na maaaring ikamatay ng mga isda. Mukhang hindi rin pinakakain at nililinisan ang mga tigre at iba pang hayop na makikita sa iba’t ibang koral ng Manila Zoo.

Samantala, ang elepante ay malungkot na nag-iisa sa kanyang koral sapagkat mula nang mamatay ang kanyang partner ay tila walang pagkukusa sa mga namamahala ng zoo na humanap ng kapalit nito. Ang elepante ay isang “social animal” na pirming nangangailangan ng kasama. Hindi ako magtataka na ilang araw mula ngayon ay mababalitang namatay na rin ito.

Wala rin akong nakitang giraffe. Hindi ko alam kung ito ay nagtatago lang o sadyang wala na ang hayop na ito sa zoo. Walang disiplina ang mga taong pumapasok sa zoo. Sa kabila ng pagbabawal sa pagbibigay ng pagkain sa mga hayop ay makikita ang mga bata, katulong pa ang mga kunsintidor na magulang, na naghahagis ng kung ano-anong sitsirya sa mga hayop.

Bukod pa rito, kaliwa’t kanan ang mga vendor at naglipana rin ang mga mandurukot sa loob ng zoo kaya malabo talagang mapalagay ang loob ng isang namamasyal. Imbes na mag-enjoy ang isang bumibisita ay mag-aalala pa ito na baka madukutan siya.

Paglabas mo ng zoo ay lalanghapin mo naman ang makapal at mabahong usok ng mga bulok na jeepney na pumapasada sa lugar. Sa tapat naman ay naroon ang isang playground kung saan mga batang lansangan naman ang makikitang tumatambay hawak ang plastic bag na tila naglalaman ng rugby.

Isipin na lamang ninyo kung ano kaya ang magiging impresyon ng isang dayuhan na magagawi sa Manila Zoo. Hindi malayong masabi nito na sinayang lang niya ang kanyang panahon sa pagbisita sa lugar na ito.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

* * *

Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply