Ang parusang kamatayan

by the square

MAY mga pul-politiko na sumasakay sa isyu ng kakilakilabot na pagpatay kay Cyrish Magalang, isang alumna ang Pamantasang Santo Tomas, sa pamamagitan nang pananawagan sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan.

Kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na walang nagawang mabuti ang parusang kamatayan kundi lalong idiin lamang ang mga mahihirap ay walang kahihiyan ang mga pul-politikong ito na ginagamit ang wala sa panahong kamatayan ni Cyrish para sila ay mapag-usapan.

Matagal ng naging malinaw sa mga mahabang debate sa kongreso at mga barberyang bayan na hindi ang kaparusahan kamatayan ang pipigil sa mga kriminal na gumawa ng krimen kundi ang katiyakan na sila ay mahuhuli at dagliang mapaparusahan.

Ilang ulit na ring napatunayan na maraming nabitay na walang kasalanan. Sa kasamaan palad ay hindi na maibabalik pa ang kanilang mga buhay.

Ang mga karumaldumal na krimen lalo na yung may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamut kadalasan ay sintomas ng sakit ng lipunan na maiuugat sa kabiguan ng pamahalaan na mamahala na may katarungan para sa lahat. Ito ay patunay rin ng kabiguan ng pamahalaan na lumikha ng trabahong magbibigay ng disenteng pasahod sa mga mamamayan o ng mga tamang kundisyon para dito. Tapusin natin ang kahirapan ay tiyak kong baba ang insidente ng mga krimen sa ating bayan.

Bukod dito ay dapat mapag-ibayu ng pambansang pulisya ang pagmamatyag sa mga kriminal at ang pagsugpo sa gawaing kriminal. Dapat din na maging masinop sa mga imbestigasyon upang matiyak ang pagkakadakip ng mga gumagawa ng labag sa batas.

Ang panunumbalik ng parusang kamatayan sa panahon ng mga nagdaang administrasyon ay hindi nagbunga ng pagbaba ng krimen kundi lalo lamang nagpakita ng kahinaan ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin nito.

* * *

Umaangal na ang ilang opisyal ng pamahalang panglungsod ng Kyusi sa diumano ay ginagawang pangingikil sa kanila ng ilang mga miyembro ng media. Ayon sa ulat na aking natanggap umiikot ang grupong ito tuwing Biyernes at sapilitang naghihingi sa mga opisyales.

Isinusuka na raw ang mga mamahayag na ito  ng ilan sa kanilang mga kabaro at ultimong si Mayor  Herbert  Baurtista diumano ay humingi na rin ng tulong sa ibang mga reporters para siyang mag-cover sa city hall dahil “puro pakabig” raw ang grupong kilala na ngayon sa taguring Friday ikot.

Hindi ko alam kung ano ang magiging sagot ng mga reporters na isinasangkot sa isyung ito pero bukas ang ispasyong ito para sa kanilang tugon.

* * *

Malaki ang aking pasasalamat saaking kababata na si Albert Gene Lorenzo dahil sa kanyang mainit napagtanggap sa akin at aking mga kaibigan sa kanyang Infinity Resort sa Indigo Bay subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba na aming binisita kamakailan.

Si Abet ay aking kaklase nuong High School at isa siyang mahusay na ka-brod.

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

* * *

Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply