Ano ba naman yan, Judge Galvez?

_bobby ricohermoso

SUMUGOD noong Biyernes ang mga galit na empleyado ng Steel Corporation of the Philippines (SCP) sa Batangas City Hall of Justice para tuligsain ang kautusan ni Judge  Ruben Galvez  ng RTC Branch 3 na isailalim sa liquidation proceedings ang kanilang kompanya.

Sinabi ni Rodrigo Rodriguez, pangulo ng SCP labor union na ma-linaw na paglabag sa umiiral na Labor Code of the Philippines ang ginawa ni Galvez, maliban pa sa tuwiran din itong pagsuway sa utos ng Court of Appeals at Korte Supre-ma kung saan may kasalukuyang naka-pending na apela ang SCP kaugnay rin ng nasabing kaso.

Ayon sa kanila, ang kautusan ni Galvez ay bunga ng kawalan ng sapat na kaalaman nito sa tunay na estado ng kanilang kompanya at ng industriya ng bakal sa bansa.

Nag-ugat ang problema ng SCP nang manghiram ang pamunuan nito ng halagang P1.3 bilyon sa ilang creditor, isa na rito ang Banco De Oro na pagmamay-ari ni business tycoon Henry Sy.

Nang hindi makabayad sa takdang panahon ang SCP ay sina-mantala ito ng BDO upang maghain ng petisyon para sumailalim sa corporate rehabilitation na sa kalaunan ay humantong sa liquidation proceedings ang kompanya.

Kamakailan lang ay nag-isyu ng report ang court-appointed receiver na si Atty. Norma Singson De Leon na nagsasaad na hindi na umano nag-o-operate ang kompanya at sa halip ay maintained at padlocked na umano ito.

Dahil sa report na iyon ay biglang inilabas ni Galvez ang liquidation order na hindi man lang isinalang-alang ang ibang aspeto ng kaso pabor sa BDO.

Tsk,tsk,tsk! Ibang klase rin naman itong si Judge Galvez!

Hindi man lang niya kinuha ang panig nina Rodriguez na nagsasabing 100% fully-operational ang kanilang kompanya at hindi kailanman tumigil ang operasyon nito.

Pero dahil sa utos ni Judge Galvez ay nangangamba silang mawalan ng trabaho at magpa-Pasko pa naman.

Hindi tuloy maiwasan ng mga naghihinakit na empleyado na mag-tanong kung may “kasunduan” ba sa pangyayari.

Ayon kay Atty. Herman Nicdao, abogado ng SCP, ang isang mali sa   liquidation proceedings ay ang hindi nito pagtupad sa itinatakda ng batas na 30-day prior notice bago mapahintulutan ang isang empleyado na tumigil sa pagtatrabaho.

Ano man ang technicalities na nakapaloob sa kaso,iisa lang ang maliwanag dito na hindi man lang isinaalang-alang ni Judge Galvez ang pagkalahatang kalagayan ng mga maapektuhang empleyado ng SCP.

Maliban pa sa pagbalewala niya sa totoong kalagayan ng SCP na hindi pa naman pala nararapat isailalim sa liquidation proceedings.

Ano ba naman iyan Judge Galvez?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply