Anti-Bullying Bill pinamamadali ni Angara

UMAPELA si Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara sa Senado na agad aksiyunan at isabatas ang Anti-Bullying Bill bago matapos ang 15th Congress sa hunyo.

Nitong nakaraang taon pa naaprubahan sa Kamara ang House Bill 5496 – subalit nakabimbin pa rin ang bersiyon ng Senado sa komite simula 2010.

Si Angara ay isa sa mga may-akda ng bersiyon ng mababang kapulungan ng panukalang batas.

“Nakaantabay lang kami sa aming kasamahan sa Senado. kailangan namin ng kanilang approval at ang pinagsamang mga bersiyon ng Kongreso at Senado bago pirmahan ni pangulong ‘noy ang pagsasabatas ng anti-bullying bill,” ayon kay Angara na tumatayong Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education.

Nakapaloob sa HB 5496 ang pag-aatas sa mga paaralang elementarya at hayskul na magkaroon sila ng mga patakaran o polisiya laban sa bullying o pananakot na ipatutupad sa kanilang kampus.

Ipapamahagi rin ang manwal tungkol sa pagsugpo sa bullying sa mga mag-aaral, guro, magulang, at tagapangalaga o guardian.

Tumutukoy ang bullying sa anumang malubha o paulit-ulit na paggamit ng isa o maraming mag-aaral ng pahayag na nasusulat, berbal o elektroniko, o pamimisikal o pag-amba, o anumang kombinasyon ng mga ito, na nakapuntirya sa ibang mag-aaral, na mayroong epektong nalalagay ang huli sa takot ng sakit na pisikal o emosyonal o pagkasira ng kanyang mga pag-aari.

“Kapag nasa school na ang bata, pananagutan na ng mga namamahala ng paaralan ang anumang mangyayaring masama sa kanya. gustong tiyakin ng aming panukalang batas na tugunan ng mga paaralan ang problema bullying o pananakot at magkaloob sila ng ligtas na kapaligaran para sa kanilang estudyante,” ani Angara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply