APEC partylist umapela sa Supreme Court

NAGPASAKLOLO rin sa Korte Suprema ang isa pang party list group na tinanggalan ng accreditation ng Commission on Elections para makalahok sa 2013 midterm elections.

Sa 88-pahinang petisyon, hiniling ng Association of Philippine Electric Cooperatives o APEC sa Korte Suprema na baligtarin ang desisyon ng Comelec noong October 16, na nagkansela sa kanilang certificate of accreditation.

Umapela rin sila sa Kataas taasang Hukuman na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilin ang pagpapatupad ng kinukwestiyong kautusan ng Comelec.

Iginiit ni Atty. Yeshter Donn Baccay, abugado ng APEC, na hindi nabigyan ng due process ang kanyang kliyente dahil napagkaitan sila ng pagkakataon ng Comelec na maghain ng motion for reconsideration.

Naniniwala rin ang grupo na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang sabihin nitong nabigo ang kanilang grupo na makatugon sa mga batas at panuntunan na may kinalaman sa eleksyon kaya hindi sila kwalipikado bilang party list organization.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply