Appointment ng bagong associate justice isusumite sa SC bukas

ISUSUMITE na bukas (Nobyembre 21) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema ang appointment ng bagong associate justice.

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na agad niyang pag-uukulan ng pansin ang shortlist mula sa Judicial and Bar Council (JBC) upang makapili na sa pitong kandidato kung saan kasama ang pangalan ni government chief negotiator Marvic Leonen.

Sa ulat, tanging si Leonen lamang ang hindi nai-interview ni Pangulong Aquino dahil nasa Kuala Lumpur, Malaysia ito nang kausapin ng Pangulo ang ibang mga nominado.

Bukas na ang deadline ng Chief Executive para pumili ng SC associate justice.

Isang malakas na tawa naman ang tugon ni Pangulong Aquino sa tanong kung nakalalamang si Leonen sa 6 na kasama nitong nominado bilang susunod na SC Associate Justice.

Hindi paborito ni Pangulong Aquino si Leonen sa mga pinagpipiliang itatalaga bilang bagong associate justice.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, lahat sa ngayon ay pantay-pantay at bibigyan ng Pangulo na parehas na pagkakataon.

Iyon nga lamang, aminado ito na kilala ng Pangulo ang galing ng dating dean ng UP College of Law sa negosasyon sa MILF, pero hindi ito nangangahulugang nakalalamang na ito sa ibang kandidato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply