Architect natagpuang patay sa motel sa CDO

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang awtoridad kaugnay sa pagkamatay ng isang architect sa loob ng motel sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Batay sa ulat ng imbestigador sa Police Station 1, kinilala ang biktima na si Architect Danilo Santo Domingo, 51, residente sa Pampanga St., Payatas, Quezon City.

Walang suot na pang-itaas ang biktima nang makita sa loob ng room 15 ng D’ Morvie Suites at wala ng buhay.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, hindi pagnanakaw ang motibo sapagkat hindi kinuha ang mga kagamitan nito.

Lumalabas din na bago namatay ang biktima ay mayroon itong nakasama na nagngangalang Engr. Melcho Manangan na wala na nang makita ang bangkay ng biktima

Napag-alaman na si Manangan ay contractor umano sa isa sa mga tenant ng kakabukas pa lamang na mall nito sa lungsod habang si Santo Domingo ay nagsilbing architect.

Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung ano ba talaga ang sanhi sa kamatayan ni Santo Domingo.

Noong nakaraang linggo, isang foreman sa nasabing mall ang nakitang patay sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Brgy. Macasandig sa naturang lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply