Arraignment ni Morato sa Sandigan kinansela

manoling-morato

MULING sinuspinde sa ikatlong pagkakataon ng Sandiganbayan First Division ang pagbasa ng sakdal kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manoling Morato kaugnay ng kasong pandarambong.

Ayon kay Atty. Dante Diaz, abogado ni Morato, naghain aniya sila ng petition for certiorari sa Supreme Court (SC) na humihiling ng temporary restraining order (TRO) para hindi matuloy ang pagdinig sa kaso ng kliyente.

Binigyan ng Sandiganbayan ng 10 araw ang kampo ni Morato para makakuha ng TRO at muling na-reset ito sa Disyembre 3, alas-8:30 ng umaga.

Humirit din si Diaz na makadaan ang kliyente sa bahay nito kahit isang oras pero hindi pinagbigyan ng korte.

Lumabas si Morato ng courtroom na naka-wheelchair at naka-face mask dahil sa iniindang karamdaman.

Matatandaang sumailalim pa sa heart bypass si Morato noong Oktubre 22.

Nag-ugat ang plunder case ng dating chairman sa maanomalya umanong paggamit ng pondo ng PCSO sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply