Arraignment sa 3 akusado sa Rodelas slay itinakda sa Lunes

ITINAKDA na ng Quezon City Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal sa tatlong akusado sa pagpatay sa modelong si Julie Ann “Jaja” Rodelas sa Lunes, Nobyembre 19.

Sa isang pahinang kautusan na may petsang November 15, itinakda ni Judge Caridad Walse Lutero of Quezon City Regional Trial Court Branch 223 sa Lunes, Nob. 19, pasado alas-8:30 ng umaga ang pagbasa ng sakdal sa mga suspek na sina Althea Altamirano, Fernando Quiambao, Jr., at Jaymar Waradji.

Isasabay na rin sa pagbasa ng sakdal ang nakumpiskahan ng baril na si Gelan Pasewilan, na kasamang nahuli ni Waradji na nahuli sa isinagawang follow up opreation ng pulisya sa Salaam Compound noong Sabado. Si Pasewilan ay hindi kasama sa kasong pagpatay kay Rodelas.

Nauna ng inirekomenda ni Quezon City assistant prosecutor Alessandro Jurado ang paghahain ng kasong murder laban kina Altamirano, Quiambao, at Waradji, at walang piyansang inirekomenda.

Nauna ring inaprubahan ni City prosecutor Alessandro Jurado na maging testigo si Waradji na sinabing wala siyang kinalaman sa pagpatay sa 20-anyos na si Rodelas ngunit kasama lamang siya sa ginawang pagdukot dito.

Sa inisyal na disposisyon ng piskalya ang kaso ni Waradji na maisama ito sa regular na preliminary investigation habang sina Quimbao at Altamirano ay iniutos nitong kasuhan sa korte.

Bagamat sa inamiyendahang resolusyon noong Huwebes ng hapon kailangang isama si Waradji sa mga nararapat sampahan ng kaso sa korte pero hindi naman nilinaw sa resolusyon kung bakit ito isinama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply