Arrest warrant vs Reyes bros dapat ibasura na rin – Topacio

DAPAT nang ipawalang bisa ang warrant of arrest laban sa magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes kaugnay ng kasong pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Doc Gerry Ortega.

Sinabi ng abogado ng mga Reyes na si Atty. Ferdinand Topacio, na hindi na nararapat pa ang arrest warrant laban sa kanyang mga kliyente dahil nagpalabas ng ruling ang Court of Appeals na nagpapawalang-bisa sa findings ng binuong second panel of prosecutors ng Department of Justice.

Base sa desisyong isinulat ni CA Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA Special 5th Division, idineklarang walang bisa ang Department Order 710 ng DOJ na bumuo ng second panel of prosecutors na magsisiyasat sa naturang kaso.

Kaugnay nito, inamin ni Atty. Ferdinand Topacio na matagal na siyang walang komunikasyon sa kanyang mga kliyente

Sinabi ni Topacio na tanging sa isa pang kapatid ng kanyang mga kliyente umano siya nakikipag-ugnayan.

Umaasa rin si Topacio na lulutang sa lalong madaling panahon ang magkapatid na Reyes sa oras na ipawalang bisa ng korte ang arrest warrant laban sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply