Art director timbog sa marijuana sa NAIA

NATIMBOG ang isang 26-anyos na freelance art director dahil sa pag-iingat ng pinatuyong dahon ng marijuna nang ihatid nito ang kanyang kaibigan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Arturo Cacdac, Jr, ang suspek na si Jean-Michael Red, residente ng Marilag Street, UP Village, Diliman, Quezon City.

Ayon sa report dumaan ang suspek sa Departure Area ng NAIA Terminal 3 nang makapa ng security officer ang marijuana na nakatago sa loob ng camera film canister.

Samantala, nasakote naman ng mga tauhan Makati Anti-Drug Unit ang isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Makati.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Jerome Amarilla, 26 anyos na sinasabi kilabot na drug pusher at ilang ulit nang nasangkot sa drug trade sa lungsod kasama na ang Laperal compound sa Barangay Guadalupe Viejo.

Inaresto si Amarilla matapos nitong bentahan ng dalawang sachet ng shabu ang isang under cover police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply