Artipisyal na braso handog ng ECC sa ODWs

prosthetic

ANG Employees Compensation Commission (ECC), isang karugtong na ahensiya ng Department of Labor and Employment, ay naghahandog ng artipisyal na prosthetics para sa mga nabaldadong manggagawa o occupationally – disabled workers (ODWs) sa ilalim ng katulong at Gabay sa manggagawang may kapansanan (Ka Gabay) Program. Ang layunin nito ay upang maisakatuparan ang integrasyon ng ODWs sa economic mainstream sa pamamagitan ng pagbabalik ng pisikal na training para sa re – employment o self – entrepreneurship.

Isa sa mga beneficiary ng programa ay si G. A. Esquerdo, dating empleyado ng Vanson Paper Industrial Corporation sa Valenzuela City bilang repacker.

Noong Agosto 2011, habang nilalagyan niya ng papel ang isang roller machine, siya ay aksidenteng nadulas sa kanyang kinatatayuan at ang kanyang kamay ay napunta sa makina, na naging dahilan upang siya ay makaroon ng malubhang pinsala sa kamay.

Itinakbo sya sa ospital at pinayuhan na mapa – operahan at maputol ang bahagi ng katawan na naapektuhan. Matapos ang ilang linggo mula nang siya ay maoperahan, iminungkahi na   sumailalim sya sa physical therapy sa Philippine General Hospital para sa 6 na sessions, dahil sa pamamanhid ng naputol na bahagi ng kanyang kamay.

Noong Agosto 13, 2012, siya ay nabigyan ng artipisyal na braso mula sa siko pababa sa kamay na, nagkakahalaga ng P 90,000.00, na binayaran ng ECC sa ilalim ng Ka Gabay Program nang sa gayon ay maging kapikipakinabang pa siya sa buhay, at sa lipunan.

Sa banding huli ay nagpakita ng intensiyon si Esquerdo na matuto siya ng entrepreneurial training ukol sa laundry/ dishwashing detergent at fabric conditioner upang matustusan ang kanyang mga pinagkakakitaan at madagdagan pa ang kinikita niya sa pagtitinda ng tuyo at iba pa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply