At natagpuan ni Snooky ang katahimikan…

snooky-serna

MGA dalaga na ang anak ni Snooky Serna. Ang panganay niyang si Samantha is laready 19 at 16 years old naman ang bunsong si Sachi.

“Alam mo, nililigawan na sila! Pero salamat naman dahil hindi pa nilang gustong mag-boyfriend,” natatawang pagtatapat ni Snooky nang makausap namin kamakailan sa press launch ng Ang Sugo (The Las Messenger), pelikulang gagawin tungkol sa lifestory ng Iglesia Ni Cristo founder na si Felix Manalo kung saan isa siya sa casts.

“Hindi ko naman sila hinihigpitan. Pero alam mo… I’m so relieved. Buti wala pa sa isip nila!” sabay tawa ulit niya.

“Third year college na si Sam in La Salle. She’s taking up European studies. Mahilig siya sa politics, e. Mahilig siya sa… actually more of public service. Also history and a bit of literature.

“Si Sachi naman is graduating this March sa high school. Sa La sale rin niya gustong mag-college at ang course na gusto naman niya… Literature.”

Hindi nai-engganyong mag-artista ang mga ito? “Hindi. And… ayokong mag-lie, ha? Happy ako na hindi sila naiengganyo na mag-showbiz! Hahaha!”

Kunsabagay, masalimuot ang buhay ng artista. Laging nasasalang sa mga intriga at kontrobersiya.

Si Snooky, hanggang ngayon, kahit sinisikap na makapamuhay nang tahimik at masaya, hindi pa rin nakaiiwas na maintriga. May tsismis nga tungkol sa kanya lately na isang lesbian raw ang kayang karelasyon?

“Oo nga, e. Ewan ko ba? My gosh! Ang masasabi ko na lang… lahat naman ng katotohanan, lalabas. Wala namang secret na hindi eventually lumalabas.

“So… cool lang ako. I don’t want to expound on it kasi I don’t want to give it importance. Kumbaga, I don’t want to make a big deal out of nothing.”

Pero blooming ang beauty niya ngayon. Mukhang there’s someone special na nag-i-inspire sa kanya ngayon. “Wala!” nangiting agad na reaksiyon ni Snooky. “Tatlong taon na halos akong walang lovelife. Kung sinasabi mang blooming ako ngayon, thank God. Alam n’yo, awa ng Diyos ‘yan.

“When you have peace in your heart, peace in your soul, peace in your mind, kahit wala kang lalake sa buhay mo, hindi kawalan.

“Bahala na ang Diyos pagdating sa ganyang bagay. If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okey lang. I don’t doubt God’s plan for my life. It will be the best for me. So kung anuman ‘yon, tanggap ko.

“Pero kung may dumating, I know na laan ng Diyos iyon para sa akin. Basta ba hindi naman ako ‘yong talagang naghahanap.”

Unti-unting nagiging aktibo na naman si Snooky sa kanyang acting career at natutuwa siya na lately ay nagkakasunud-sunod ang alok na projects sa kanya.

Kasali siya sa cast ng Pamana episode ng Shake, Rattle, & Roll 14 na entry ng Regal Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. May isa pa siyang pelikulang gagawin sa Regal rin. Ito ay ang “Kontramundo” na ididirehe ni Tikoy Aguiluz na siya ang bida.

“Sabi ni Mother Lily, it’s going to be a comeback role for me and I’m thankful nga sa Ama kasi biniyayaan Niya ako na magkatoon ulit ng chance na gumawa ng isang mabigat na pelikula.

“Wala pang final details about the movie kaya hindi ko pa masabi ‘yong role ko o ang story.

“I’m not sure pa also about the casting pero sinasabi ni Mother na isang magandang project nga raw ito for me,” nakangiting huling nasabi ni Snooky.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply