Atat na atat magpa-interview!

MARAMING nagtataka kung bakit atat na atat sa interbyu ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann? Tuloy, sila rin ang nangbubuking kung ano ang mga sikretong dapat ay nakatago na lang. For reasons na ikapapahamak rin nila kung ano ang katotohanan sa relasyong Andi at Jake Ejercito at sa kontrobersiyal na split-up between Andi at Albie Casino.

Sa mga pahayag ni Laarni Enriquez, bilang sagot sa mga rebelasyon ni Jaclyn, namangka sa dalawang-ilog ang dalagang-inang si Andi.

Ani Laarni, no’ng bumalik raw si Jake sa London para ipagpatuloy ang kanyang kurso, mag-on pa sila Andi at ang gwapo nitong anak courtesy of ex-president Erap.

At no’ng bumalik raw si Jake sa ‘Pinas, buntis na si Andi na ang itinuturong ama ay si Albie nga.

Ibig sabihin, habang nagsusunog ng kilay si Jake sa pinapasukang unibersidad sa London, ‘naglalaro’ naman raw ng apoy si Andi sa piling ni Albie? Me ganun (pahiram ng linya, Mr. Fu)?

Masalimuot pa rin ang kuwento ni Andi sa relasyon nila ni Jake. Sabi’y “friends” lang raw sila ng binatang E-jercito pero ang photos na kumakalat kung saa’y sweet na sweet ang dalawa ay nagkakanulong they are “more than friends”!

Huwag na kasing magpakaplastik, Andi!

—@@@—

MABUTI pa si Jolo Revilla who openly admits na si Jodi Sta. Maria ang kanyang inspirasyon sa buhay nowadays. Would you believe, behind the cameras, nagba-bonding ang dalawa (jolo at Jodi) na kasa-kasama ang kanilang tsikiting?

“Tita” ang tawag ni Gab kay Jodi at si Thirdy nama’y “Tito” ang tawag kay Jolo.

Magandang senyales ito na kapag sila ang magkatuluyan, hindi na magkakaproblema ang dalawa sa kani-kanilang mga anak dahil maaga pa’y pinaglalapit na ang mga bata ng kanilang mga magulang.

Busy pareho sina Jolo at Jodi sa ngayon. Ang aktor ay kasama sa MMFF entry ng kanyang amang senador Bong Revilla at si Jodi nama’y sa Be Careful With My Heart, na extended pa hanggang sa first season ng 2013.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply