Ate Vi boto talaga kay Jennylyn para kay Luis!

LAST November 5, Monday, was a red-letter day for the Batanguenos dahil ang kanilang namununo sa nasabing lalawigan na si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan that day.

Bagama’t November 3 ang saktong kapanganakan ng Star for All Seasons, she opted to delay it dahil pinili nitong magbakasyon with members of Santos clan sa Hong Kong. Umalis ang kanilang entourage sa ‘Pinas last October 29 at bumalik sila Sunday, November 4. Thus a day after, nagkaroon ng small festivities sa Kapitolyo.

Sa umaga, nagkaroon muna ng misa, sinundan ito ng programa sa amphiteater na sinalihan ng mga empleyado. Kanya-kanyang production numbers, may nag-ala-Darna, may nag-drama (base sa lumang movies ni ate Vi) at ang mga kapulisan nama’y sumayaw ng Gangnam style.

Everybody, especially Vilmanians, enjoyed the day lalo na’t sila ang espesyal na ipinatawag ni ate Vi para pasalamatan sa lahat ng biyayang tinatamasa ng aktres-puilitiko.

But of course, may December event sa Batangas at baka rito may pagkakataong mapatawag at makaharap ni ate Vi ang ilang press na wala ring sawang sumusuporta sa kaniya.

—@@@—

NAGKAROON rin ng question-and-answer portion sa iilang press na sumugod sa kapitolyo that day. Naitanong sa aktres-politiko ang halos isang linggong bakasyon sa Hong Kong.

“Napakasaya! At least, it’s a family (affair) at ang wala lang ay si Luis,” na ang tinutukoy ay ang kanyang panganay na anak.

‘Yon pala’y bumukod ng trip si Luis kasama si Jennylyn sa Dubai.

“I understand, ibigay n’yo na ang kaligayahan ng anak ko,” pakiusap ni Ate Vi.

Mino-monitor naman daw ni Ate Vi ang kaganapan sa Dubai habang sila’y nasa HK.

“Napagalitan ko nga, kasi nag-skydive? 13,000 feet ‘yon?” bulalas ni Ate Vi na medyo nagulat raw sa pag-i-skydive ng anak.

Kaya lang, masaya rin si Ate Vi sa anak dahil bibihira naman daw nitong nakikitang walang kasingsaya ito sa piling ng GF na si Jennylyn Mercado.

Kahit ‘di eksaktong sinasabi ni Ate Vi na boto ito sa dalagang-ina to be Luis’ partner-to-be in the future, base sa kanyang kwento, aprub na aprub siya sa relasyong Luis-Jennylyn.

“Nakita ko kasi kung paano alagaan ni Jennylyn si Luis no’ng magkasakit siya,” ani Ate Vi.

Relyebo raw sila ng Kapuso aktres sa pagbabantay kay Luis. “Pang-umaga ako, siya naman sa gabi,” sey niya.

May bali-balitang kasal na nga raw ba sina Luis at Jennylyn?

“Malay ko?” sabay tawa ng Star for All Seasons.

—@@@—

NGAYO’Y lumantad na rin sa wakas si Jolo Revilla at aminadong si Jodi Sta.Maria ang  nagpapasaya sa kaniyang buhay. Close to admission for Jolo sa napapabalitang relasyon nito sa “Be Careful With My Heart ” star na si Jodi na ever since ay tahimik ito sa kaniyang lovelife.

Sa isang okasyon sa Cavite sa barangay na nasasakupan ni Jolo ang event na sila’y nakitang masaya together. Sa stage habang kumakanta si Jodi, hindi magkandatuto naman si Jolo sa pagpunas ng pawis nito.

Well, they seemed to be a good pair however. The fact na they have something in common, na may tig-isang anak sa failed relationships, tila magkakasundo ang dalawa as far as building a happy family together.

Our wish for both na sana’y sila na nga.

—@@@—

SA WAKAS, nagti-teyping na pala ng seryeng Dugong Buhay na pagsasamahan ng dalawang young actors na sina Ejay Falcon at Arjo Atayde. Isa itong primetime serye na sa February, 2013 na mapapanood.

Nagkaroon muna ng acting at action workshops sina Arjo at Ejay, thus explains kung bakit na-delay ang start ng kanilang taping which is supposedly ay nitong October pa.

Ayon kay Arjo who just celebrated his 22nd year, sa Pasto,Greenhills, mala-Cain at Abel ang role nila ni Ejay. Magkapatid na ‘di magkasundo, magka-away to the point na matira ang matibay sa kanilang pinag-aagawang kabuhayan. May pagka-Panday rin daw ang ilang eksena para naman akma sa mga batang manonood na nagka-clamor sa mga action-fantasy series.

Ang love interest ni Arjo rito ay si Jed Montero, isang newcomer sa Star Magic.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply