Attention: MPD Director Gen. Alex Gutierrez

_lily reyes

MALIBAN sa pagiging engkargado ng isang presinto ng  Manila Police District, sino at ano ba talaga ang pagkatao nitong si PO2 IKE EUSEBIO? Napag-alaman ng Lily’s Files na itong si PO2 Ike Eusebio ay naka-assign umano sa Office of the District Director ng MPD bilang security ni MPD Director, Gen. Alex Gutierrez.

Itong si PO2 Ike Eusebio rin daw ang  tumatayong engkargado ni Col. Jemar Apalla, ng MPD-Sampaloc Police Station 4. Dahil sa pagiging security escort nitong hambog na si Eusebio ay pinagmamayabang din nito na kayang kaya raw niyang paikutin   ang 11 station commanders ng MPD, dahil bagyo at napakalakas daw ang dating nito kay MPD Director, Gen. Alex Gutierrez.

Sinasabing itong si PO2 Ike Eusebio ay naka-assign umano sa Office of the District Director ng MPD bilang security ng Heneral at ito rin ang tumatayong engkargado nitong si Col. Jemar Apalla, ng MPD-Sampaloc Police Station 4.

Sa ngayon ay ginagamit na collector nitong si Eusebio ang pulis na si PO2 Mel Carel na siya ring collector na ginagamit ng engkargado ng DPIOU na si Noel de Castro.

Kapag nangongolekta itong si Eusebio ay wala umano itong ibang bukambibig kundi malakas siya sa District Director  ng MPD, at sa katunayan nagkukuwento umano ito sa kanyang mga tao na siya ang pinagkakatiwalaan ni Gen. Gutierrez  dahil  siya umano ang taga-patay at taga-katay ng Heneral.

Wowwwwwww, mabigat ang  salitang ito ni PO2 Ike Eusebio, puwedeng mapaimbestigahan ito  ng  CHR itong si Gen. Alex Gutierrez.

Attention, Gen. Alex Gutierrez, sir, gusto ko lang sanang malaman kung totoong tao mo itong si PO2 Ike Eusebio  at kung totoong security mo ang gagong pulis na ito. Aba eh  mag-isip-isip ka na, baka sa kadal-dalan ng mamang ito ay ito pa ang magpapahamak sa iyo.

Hindi dapat  pinagkakatiwalaan ng kahit na anong sikreto ang katulad nitong si Eusebio dahil ipapahamak ka pala ng gagong ito. Ang alam ko sa isang escort ay ito ang magtatanggol at magpoprotekta sa kanyang amo, hindi magpapahamak. Sabagay inaamin naman  nitong si Eusebio na hindi talaga siya tao ni Gen. Alex Gutierrez kundi ang totoong amo niya ay ang isang kapatid na opisyal ng Heneral.

Gen. Gutierrez, sir, habang maaga ay tanggalan niyo na ng pakpak at ngipin  ang  gagong ito, tanggalin mo  na rin ito sa pagiging engkargado diyan sa Police Station 4 dahil, ayon na rin dito,  ikaw daw ang naglagay sa kanya pa-ra maging engkargado ng nasabing presinto.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 0915-568-3000 at 09087230036  o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply