Australyano nabiktima ng ativan gang

MPD-HeadQ

DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang Australyano matapos na mabiktima ng tatlong babae na miyembro ng ativan gang.

Sa reklamo ng biktima na si Matthew Lansell, 47, tubong Australia at pansamantalang nanunuluyan sa Executive Hotel sa Malate, Maynila nakuha sa kanya ang $3,000 at P2,000 cash ng nasabing grupo.

Sa pahayag ni Lansell kay SPO1 John Cayetano, nagising siya kinabukasan sa loob na mismo ng kanyang kuwarto sa hotel at wala siyang matandaan sa nangyari maliban sa tatlong babae na kumaibigan sa kanya sa isang eatery sa may Quiapo.

Nalaman na dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa ng makipagkilala sa kanya ang tatlong suspek na ang isa ay nakilala niyang si Ann o Anna, 25-30; Melba, 45-55 at isa pang na hindi nagpakilala sa kanya pero nagsabing mula siya sa Banawe Province.

Nagpanggap umano ang isa sa babae na magdiriwang ito ng kanyang kaarawan kaya inimbitahan ang biktima na kanya namang pinaunlakan.

Nabatid na sumakay umano sila ng pampasaherong jeep,kung saan may isang oras ang biyahe,pagkatapos ay sumakay sila ng tricycle,pero  hindi niya matandaan ang lugar.

Doon ay kumain at nag-inuman sila, pagkatapos niyang tumungga ng alak ay nahilo na umano siya at wala nang matandaan sa mga susmunod na nangyari.

Pagkagising, tumawag umano sa kanya ang bangko ng kanyang credit card at sinabing “ibinlock” ang kanyang card matapos niyang makabili ng halagang $3,000 goods. Nawawala rin umano ang kanyang P2,000 cash sa kanyang pitaka.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply