Ayaw makipag-sex, dalaga tinodas ng BF

PATAY ang isang dalaga sa Brgy. San Carlos, Anilao, Iloilo makaraang pagsasaksakin ng kasintahan nang tumanggi umano itong makipagtalik  kaninang umaga.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na si Julie Ann Valencia, 18,  ng Sitio Bangon-Bangon, Brgy. Vista Alegre, Barotac Viejo, Iloilo na tadtad ng saksak sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng mga pulis, nagpaalam ang biktima sa kanyang ama na manonood lamang ng Banaag Festival sa bayan ng Anilao ngunit makikipagtagpo pala ito sa kanyang kasintahang suspek na si  Marky Jagorin, 25.

Base sa salaysay ng may-ari ng bahay kung saan nagtagpo ang magkasintahan, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang makarinig siya na nagtatalo ang dalawa at sinasaktan ng suspek ang biktima na humihingi pa ng tulong.

Natakot ang saksi at nagpasyang isarado na lamang ang pinto at nang tumahimik ang paligid ay agad na humingi ng tulong sa kanilang punong-barangay.

Ayon kay PO2 Rodolfo Prudente ng Anilao Municipal Police Station sa panayam sa radyo, lumalabas sa imbestigasyon na pinilit ng suspek ang biktima na makipagtalik ngunit tumanggi kaya’t pinatay. Nanonood pa umano ang dalawa ng sex video sa cellphone bago pinaslang ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply