Ayaw ni Daboy!

dingdong-and-lorna

MAY-DECEMBER affair ang tema ng istorya ng pinakabagong primetime series ng GMA7 na Pahiram Ng Sandali kung saan pangunahing tampok sina Lorna Toletino at Dingdong Dantes. Nakapaninibago ang tambalan ng dalawa. Hindi kasi pangkaraniwan na mangyari na maging magkapareha sa isang proyekto ang kagaya nilang malaki ang agwat ng edad. “Na-surprise rin ako, e!” natawang sabi ni Lorna. “Hindi kasi gano’n talaga, e.

“Haram ito, e,” pagtukoy ni Lorna sa orihinal na project na gagawin sana niya with Dingdong kasama si Kylie Padila na na-shelve.

“Na… anak ko si Kylie sa story, di ba? So nakaprepara ako bilang ina na magtuturo ng edukasyon tungkol sa kultura ng mga Muslim at tradisyon nila. And then, biglang nag-shift sa ibang tema. Na… talaga namang nangyayari sa totoong buhay natin sa ngayon.

“Mas emotionally ano ito… draining. Kasi nga, mas malalim ang emosyon bilang isang tao na nagkakamali.”

Paano kaya nila gagawin ni Dingdong na maging convincing sa viewers ang love angle at romantic involvement nila sa istorya nito?

“Ano naman ‘yon, e… it’s the chemistry. Mararamdaman rin ng tao ‘yon. Hindi lamang kami.

“Kami, sa amin… parang ‘yong kilig ang kailangang makaramdam ay ‘yong tao. ‘Di ba?

“Na ang ibig sabihin no’n, nagki-click ang chemistry ninyo. Na babagay pala kayo kahit na meron kayong age gap difference. ’Yon!”

May possibility kaya na mangyari sa kanya sa totoong buhay na ma-inlove siya sa isang guy na mas bata sa kanya? “Ayaw ni Daboy (her late husband Rudy Fernandez) nang ganyang mga tanong!” tawa ulit ng aktres.

“Ayaw ni Daboy! Kabilin-bilinan ni Daboy… please, huwag kasing-edad ng mga anak ko!

“Kung konting diperensiya lang sa edad ng mga anak ko, lalong hindi puwede.”

“Oo. Ayaw ni Daboy kaya huwag sana namang… hindi naman siguro mangyayari. Kung ipagdadasal mo naman na huwag mangyari sa ‘yo. At may nagbabantay sa ‘yo.”

“I know Rudy is watching over me. So… walang magiging problema.”

May posibilidad rin kaya na forever na siyang maging loveless? Na wala nang magiging kapalit sa puso niya si Rudy?

“Hirap na hirap na nga akong alagaan ang katawan ko, e. Puwede ba?” nangiting sabi ng aktres. “Ako muna! Ako muna. Marami pa akong kailangang… ito nga lang na naka-heels ako ngayon, masakit na ang paa ko!

“Hindi ko nga alam kung makasasayaw ako nang ganito kataas ang heels!” sabay tawa na naman niya.

“Pero kailangan naka-heels para matangkad ka tingnan.”

Isa si Lorna sa may pinakamagagandang mukha sa showbiz at sa paglipas ng panahon, tila hindi nagkakaedad ang kanyang hitsura. Fresh lagi ang dating ng beauty niya.

Paano ba niya mini-maintain ang ageless niyang ganda?

“Siyempre… Flawless, Belo… maraming salamat sa kanila,” tawa ulit niya.

“Masarap ‘yong growing old ka gracefully. ‘Yan!

“Ano ba ‘yon? Paano mo ba maa-achieve ‘yon? Siguro iyon ang importante.

“Na… i-work mo ‘yong sarili mo patungo ro’n sa road na ‘yon… growing old gracefully.”

Kumusta naman ang anak niyang si Renz na balitang in love na in love raw kay Maxene Magalona?

“Talaga? Wow!” tawa na naman ng aktres. “Happy birthday Maxene! And we love you.”

“’Yon lang ang puwede kong masabi. Hindi kasi ako puwedeng magsalita, e,” panghuling nasabi niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply