Ayaw pumatol sa transgender!… Hunk actor, mas type makipagchurvahan sa kapwa macho

blind item

NAKU! Sa kabila ng madaling panahon ng kanilang samahan kung saan magkasama sila sa magwawakas ng teleserye, nabuo pala ang special friendship sa pagitan ng bida sa seryeng pinagpapatansiyahang young hunk actor at ngayon pa lang sumisikat na actor. Actually, tropa-tropa sila kapag lumalabas pero huwag ka, may usapan na si hunk actor at hindi katangkarang aktor na magkikita sila sa kanilang favorite na tagpuang lugar riyan sa may Kyusi. Siyempre, mga Teh ano pa ba ang gagawin ng mga ito kundi ang magkufingan buong magdamag especially kung wala naman silang commitment sa kanilang respective careers.

Isa lang ang aming na-witness rito kay hunky actor. Mukhang taboo para sa kanya ang pumatol sa mga transgender (mga bayot na nagdadamit babae) pero sa kapwa niya macho ay okey sa kanya na makipagchurvahan.Hindi ba’t naging sila noon ng guwaping na actor na lumipat ng kabilang network na dyowa ng hindi kagandahan pero sexy namang young actress na taga Kapuso network?

Aba! Matagal-tagal na panahon rin naman ang hadahan episode ng dalawa, noh? But to top it all, mas preferred talaga ni yummy actor ang tunay na girlash. Hindi ba’t napabalita pa noong napapagod na ang bading na alalay nito sa kakakuha ng mga babaeng bayaran para kanyang maka-sex in bed? Clue, produkto si Papable young-actor ng isang Reality Talent Search. Mga kafatid, kuha n’yo gyud!

***

Carmela W. Malay, ilulunsad na sa kanyang Carmela’s Night sa Candy Shop Super Club sa QC

BAGO isabak sa pelikula at telebisyon ang maalindog na si Carmela W. Malay, ang bagong sex guro o columnist ng pahayang Remate na hot na hot na tabloid ng bansa, ilulunsad muna ang misteryosang si Carmela sa kanyang one night Meet & Greet Show na Carmela’s Night na gaganapin sa December 2 at 6 p.m. sa Candy Shop Super Club na located sa Quezon Ave., Quezon City na tabi lang ng Folded and Hung building.

Mala-Burlesque ni Christina Aguilera ang motiff ng special show ng ating Remate columnist kung saan ipakikita niya ang husay sa mga inihandang sexy and hot sing and dance number.

Special guests niya rito na magpapainit ng laman at buhuhay ng dugo ng mga kalalakihan ang Kissy Babes at Playgirls. Kaya mga Papa macho, huwag ninyong palalampasin ito dahil para sa inyo ang gabing ito kapiling ang batambatang sex symbol.

At para masilayan si Carmela, magmadali. Mag-ipon lamang ng 30 logos ng Remate at gupitin at pwedeng ipadala rito sa Remate News Central, Ground Floor National Press Club Bldg., Intramuros, Manila o dalhin n’yo sa mismong venue ng show.

At kung gahol na sa inyong trabaho, pwede kayong mag-avail ng tickets sa very affordable price na P500. Hindi kayo mabibitin dahil may audience participation rito with your idol Ms. Carmela.

Ang Robust ang isa sa major sponsor ng Carmela’s Night and very soon, ilo-launch na rin ang ating dalaga bilang bagong celebrity endorser ng nasabing Dietary Supplement for Men, along with their original endorser sexy star Paloma Esmeria. Si Ms. Joy Castro ang organizer ng nabanggit na event. At siyempre, my BFFT Pete A, isa rin ang mabait at masipag nating Managing Editor ng Remate na si Ma’am Lydia Bueno sa mga taong nasa likod ng naturang special project.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply