Azkals pipilit umiskor sa Vietnam

SASALANG ang Philippine Azkals bukas ng gabi laban sa Vietnam subalit hindi nila makakasama sa giyera ang kanilang coach na si Hans Michael Weiss.

Sa laban ng Pinoy Booters sa Thailand ay pinalayas si Weiss dahil may tinamaan nang ibato niya ang bola matapos ang masamang landing ni Anucha Kitpongsri.

Ayon kay Weiss kahit wala siya sa bench ay pipilitin nitong magmando sa half time at habang nasa bleacher.

Luhod ang Azkals sa Thailand 2-1 kaya naman kailangan nilang talunin ang Vietnam na minsan na rin nilang ginapi noong 2010.

Galing naman ang Vietnam sa 1-1 draw laban sa Myanmar.

Mag-uumpisa ang sipaan ng Azkals at Vietnam sa alas-6:30 ng gabi.

Samantala, maganda ang nilalaro ng Azkals sa unang 20 minuto ng laro pero bumigay agad ang kanilang depensa dahil sa matitikas na atake ng War Elephants

Umiskor ang Thais ng dalawang sa 38th at 40th minute bago makakuha ng goal ang PHL  kay Paul Mulders sa 77th minute.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply