Baboy na ibinebenta sa lechon houses,resto, pina-mo-monitor

NAGPASA ang Quezon City council ng isang resolusyon na naghihikayat sa QC health department na masusing i-monitor sa pamamagitan ng kanilang veterinary division, ang lahat ng baboy  na ibinebenta at isinu-suplay sa mga lechon houses at restaurants sa lunsod.

Hinihikayat din ng naturang resolusyon ang mga veterinary inspectors na tignan maigi na ang lahat ng baboy na ibinbenta at idine-deliber ay may kaukulang  stamped na selyado ng meat inspection ng QC  government.

Nakasaad sa resolusyon na ang Section 15 Article II ng  1987 Constitution na “The state shall protect the right to health of the people and instil health consciousness among them.”

Kaugnay pa rin ng nasabing polisiya, pinalakas pa ng QC council ang ordinance No. SP 1891, S-2008 “An Ordinance Governing the Slaughtering of Food Animals, Meat Inspection and Meat Trade sa Quezon City .”

Ngayon lamang taon, inaprubahan ni Mayor Herbert M. Bautista ang Ordinance No. SP-2164, S-2012 na may titulong “An Ordinance Amending Ordinance No. SP-1891, S-2008 by providing stiffer penalty for those who will violate the prohibition against the distribution and selling of the so-called “double dead” meat and “hot meat” within Quezon City.

Kabilang sa mga naghain ng nasabing resolusyon ay sina  Councilors Allan Benedict Reyes, Anthony Peter Crisologo, Dorothy Delarmente, Alexis Herrera, Jessica Castelo Daza, Precious Hipolito Castelo at Gian Carlo Sotto.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply