Backhoe operator sa Maguindanao massacre, ipinalilipat ng kulungan

maguindanao-massacre

INIUTOS kaninang umaga ng hukom na humahawak sa tatlong taong Maguindanao massacre case ang paglipat sa isang suspect na pinaniniwalaang ‘missing link’ sa brutal na krimen sa isang government detention facility sa Taguig City.

Si Judge Jocelyn Solis-Reyes ay lumagda sa isang commitment order para sa paglipat ng suspect na si Bong Andal sa Quezon City Jail Annex sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Si Andal ang sinasabing backhoe operator na naghukay para ilibing ang 58 biktima ng masaker, na 32 sa kanila ay miyembro ng Fourth Estate. Nakuwelyuhan ito noong nakaraang Sabado sa Cotabato at binitbit sa Metro Manila sa ilalim ng mahigpit na seguridad nitong nakaraang Martes.

Ikinokonsidera ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group si Andal na isang  “high-value target.”

Simula nang ito ay mahuli sa Cotabato nitong Martes, nakatanggap ito ng maraming pagbabanta sa buhay.

Ikinostudiya ng pulisya si Andal kasunod ng dalawa hanggang tatlong buwan na surveillance operations.

Sinabi naman ni Cotabato police chief Senior Superintendent Roque Alcantara, na si Andal ay naaresto matapos bisitahin ang kanyang asawa.

Nagkasa ang 2009 massacre ng international outrage at kahit ang Malacañang ay hindi nakaligtas sa pagbatikos dahil sa mabagal na pagusad ng kaso.

Pero biglang bumawi ang Malakanang at sinabi na ang pagdinig ay  ikakasang live TV coverage para malaman ng publiko ang progreso ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply