Bagong banal na misa, ipatutupad sa Disyembre 2

SA Disyembre 2 ay tuluyan nang ipapatupad ng Simbahang Katoliko ang mga pagbabago sa banal na misa, kasabay ng pagdiriwang ng unang Linggo ng advent.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma, nangangahulugan ito na lahat ng dioceses ay magsisimula na sa paggamit ng bagong English version ng Lord’s Prayer sa nasabing petsa.

Una nang nagdesisyon ang CBCP na gamitin ang bagong English Translation ng Roman Missal noong Enero 2011, kasabay nang isinagawa nilang plenary assembly.

Pinagtibay naman ang desisyon ngayong taon at tuluyan na itong ipapatupad simula sa susunod na buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply