Bagong coach ng Energy Cola bebendisyunan ng Mixers

BEBENDISYUNAN ng San Mig Coffee Mixers ang bagong coach ng Barako Bull Energy Cola sa nagaganap na 2012-13 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Mamayang 5:15 ng hapon ang unang pagtawag ng plays ni Bong Ramos para sa Energy Cola at ayon sa kanya ay wala siyang masyadong babaguhin sa sistema ng pinalitan niyang si coach Junel Baculi.

Para naman kay Mixers coach Tim Cone kahit nagbalasa ng coach, tinalo nila sa unang pagkikita at medyo nagkakalat sa team standing ang Energy Cola ay hindi nito babalewalain ang kalaban.

Pakay ng San Mig Coffee na sumampa sa top spot subalit alam nilang mahihirapan sila dahil may laro din mamayang 7:30 ang league leader Talk ‘N Text Tropang Texters kalaban ang Meralco Bolts.

Tangan ng Mixers ang 6-2 win-loss card habang solo sa unahan ang defending champion Tropang Texters bitbit ang 7-2 karta.

Gabuhok lang na tinalo ng Mixers ang Energy Bull, 92-91 sa una nilang paghaharap kung saan ay naging kontrobersyal pa ang panalo ng una dahil sa pagtapik ni Rafi Reavis ng bola na nasa bunganga pa ng rim habang paubos na ang oras.

Subalit napaliwanagan naman na ligal ang ginawa ni Mixers center Reavis.

Pahirapan ding nanalo ang Tropang Texters sa Bolts, 112-110 nagkaroon pa ng isang quarter para magkatalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply