Bagong Party list Law, inaasahang ipapasa ng Senado – Comelec

comelecc

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rene Sarmiento na magpapasa na rin ang Senado ng bagong batas hinggil sa party-list system.

Ito’y kasunod na rin nang pagpapasa ng senado ng Electoral Processes Accessibility Act of 2012, kung saan nakasaad ang pagtatayo ng mga polling at registration place para sa mga persons with disabilities at senior citizens.

Ayon kay Sarmiento, naniniwala siyang nasa tamang direksyon sila ng tinatahak, lalo na at kapareho nila ang takbo ng senado dahil una na ring nagpasa ng resolusyon ang Comelec para sa PWD voting at party-list system.

Umaasa rin siya na sa lalong madaling panahon ay makapagpapasa na rin ang senado ng bagong party-list system law.

“We can now see Congress’, especially the Senate, to create a new party-list system law,” anang Comelec commissioner.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply