Bagong pasok na preso binugbog sa kulungan, patay

bangkay-2

NAMATAY sa loob ng kulungan ang isang stuntmant matapos itong kuyugin at pagbubugbugin ng anim na mga presong kalalakihan Sabado ng madaling araw Nov. 11, sa headquarters ng pulis Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center si Erwin Ponce y Gallardo, 33, binata. Stuntman ng 772 Sebastian Building Mac Arthur Highway Malinta ng lungsod sanhi ng mga tinamong pasa sa katawan at pagkabasag ng ulo.

Nahaharap sa mga kasong homicide ang mga preso sina Marcelo Dayaday y Soriano, 38, (may kasong robbery homicide), Ronlad Cahil y Orot, 34, (kasong RA 9165), Julius Taguenis y Amorantos, (RA 9165), Dizon Solaybar y Asis (may kasong thief), Allen Reyes y Millan, at Felipe Nuñes y Javier, pawang mga taga Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas 3:10 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng kulungan ng Valenzuela police.

Ayon kay Chief Insp. Noel Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela police, dalawang oras bago maganap ang krimen, inaresto ng mga kagawad ng Malinta barangay tanod si Ponce sa kasong alarm scandal.

Matapos maipamedical check-up ang biktima dinala ng mga tanod sa presinto at inimbestigahan naman nina SPO2 Arnel Soriano at P02 Ruel Ruz saka pansamantalang ipinasok sa nasabing kulungan.

Habang wala ang bantay na pulis sa nasabing kulungan dito na isinagawa ng mga suspek ang walang pakundangan pambugbog, hindi pa nakuntento iniumpog ang ulo sa pader na naging sanhi ng kamatayan nito.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

Pinag-aaralan naman ng pamunuan ng pulisya kung may pananagutan ang nakatalagang pulis sa nasabing kulungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply