Bagong suspek sa Maguindanao massacre, nasakote sa S. Cotabato

MAKARAAN ang tatlong taon naaresto na ang isa pa sa mga suspek sa Maguindanao massacre kahapon ng hating gabi sa Surallah, South Cotabato.

Kinilala ni Supt. Joel Limson, Deputy Provincial Director for operations ng South Cotabato Philippine National Police (PNP) ang naarestong suspek na si Abedin Alamada alias “Commander Bedi”.

Ang pag-aresto kay Alamada ay sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Reyes.

Nanawagan ang pamilya na biktima ang karumdumal na pagpaslang na makamit ang hustisya sa nangyaring pamamaslang sa 58 indibidwal, kasama na ang mahigit 30 miyembro ng media noong Nobyembre 23, 2009.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply