Bagong teenage soap para sa Protégé winners

NAGAGAWA pa rin ni Bea Binene na mag-taping sa comedy-reality show na Pepito Manaloto kahit super hectic ang schedule niya sa soap na Cielo de Angelina dahil every other week lang ang taping niya sa show. Lumalabas siya bilang girlfriend ni Jake Vargas, ang anak na panganay nina Pepito (Michael V) at Elsa (Manilyn Reynes).

Tuwing Sunday may iba-ibang tema ang istorya ng comedy show. Pag nag-fit ang istorya sa paglabas ni Bea ay may role siya. Tinanggap ni Bea ang show dahil ka-love team niya si Jake. Kaya ganon na lang katatag ang kanilang pagsasama ay dahil walang pinipiling roles ang dalawa. Maliit o malaki man. Basta magkasama lang dahil sa totoo lang ay mag-best friends na sila.

Samantala, masaya kaming bineso-beso ng young actress nang dumating kami sa blowout birthday niya last Tuesday sa mga cancer victims na mga kabataan na isa sa mga beneficiaries ng Kapuso Foundation. Bukod sa masarap na meryenda mula sa Jollibee, may give aways pang ipinamigay si Bea na galing sa mga ini-endorse niyang produkto na pambata.

Bale noong Sunday ang 15th birthday ni Bea kaya nagkaroon ng big party celebration sa Party Pilipinas. Dahil sa super busy ang sched ni Bea, Nov. 6 na niya nakayang mag-celebrate ng kaarawan niya na kasama ang mga batang cancer patient. More than 40 rin ang dumating.

Dumating ang ilang pinuno ng fans club ni Bea at may dala pa ngang regalo na galing sa members ng fan’s club ni Bea sa abroad. Set ito ng make up kits na kailangan ni Bea sa araw-araw niyang taping at public appearance.

So far, kahit close sila ni Jake ay inaantay pa rin niya ang birthday gift nito sa kanya.

000

Bagong teenage soap opera, niluluto ng GMA7 tampok ang 2 top winners ng Protégé

MAPAAAGA ang pagpapalabas ng bagong weekend soap na pang-teenager na parang TGIS noong late 90s na namayagpag sa GMA7 tuwing Saturday ng hapon. Definitely, hindi magiging title nito ay TGIS. Basta ang istorya ng soap na once a week ipalalabas ay tungkol sa buhay-buhay ng mga kabataan. Ipapalalabas na ito ngayong darating na December.

Dito nagsimula sina Sunshine Dizon, Dingdong Dantes at iba pang sumikat na young stars noon na ngayo’y sumikat bilang leading stars ng mga programa ng GMA7. Pangunahin ngayon ay si Dingdong Dantes.

Panay baguhan ang tampok sa bagong teenage program ng GMA7. Lahat ay bunga ng isinagawang talent search kamakailan ng network.

Pangunahing character rin rito ang 2 top winners ng Protégé na sina Jeric Gonzalez at Thea Tolentino.

Buhay-buhay ito ng mga kabataan na nasa highschool pa lang!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply