Bagyo namataan sa Pasipiko

bagyoo

NABUO ang isang bagyo sa karagatang Pasipiko at  nagbabantang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 3,312 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Mindanao o sa layong 1,633 sa timog-silangan ng Guam.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 75 kilometro bawat oras.

Umuusad ang bagyo sa direksyon ng hilagang-kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras at inaasahang papasok sa sakop ng Pilipinas sa pagitan ng Disyembre 1 at 6.

Nasa labas pa ng Philippine area of responsibility ang hindi pa pinangalanang bagyo, kaya’t wala pa itong epekto sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply