Bahagi ng Edsa planong isara ng MMDA tuwing linggo

PINAG-AARALAN ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasara sa ilang bahagi ng Epifanio Delos Santos Avenue tuwing araw ng linggo para mabawasan pagsisikip ng trapiko at polusyon.

Ayo sa plano, sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez na maliban sa pagbabawas ng polusyon, maaari ring gamitin ang pagsasara ng lanes, sa paglilinis ng kalsad.

Kabilang sa mga lugar na maaaring isama sa panukala ay ang bahagi ng Ortigas hanggang Boni Avenue.

Kahapon ay una nang nagsagawa ng ‘car free day’ ang Makati City at nanawagan ang pamahalaang lungsod i sa publiko na pansamantalang iwanan ang kanilang sasakyan sa bahay para makiisa sa paglulunsad ng ng “car-free day” at makibahagi sa kampanya sa Clean Air Month ngayong November.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply