Bahay ng DOTC-ARMM direktor pinasabugan ng granada

HINAGISAN ng isang granada ang bahay ni Director Pama Dimapanat ng Dept. of Transportaion and Communication-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DOTC-ARMM) noong Sabado mga bandang alas 7 ng gabi sa Moon Street, Zenaida Subdivision, Cotabato City.

Ayon sa isang kasambahay ni Dimapanat, ilang linggo nang nakatatangap ng banta si Dimapanat.

Romisponde naman kaagad ang mga elemento ng Cotabato Police Office, SOCO at marines matapos sumabog ang granada sa labas ng bahay.

Sa panayam kay  PNP S/Supt Danilo L. Reyes, Cotabato City Police Chief sinabi nito na isa sa kanilang titingnan motibo ay ang problema sa tanggapang ng DOTC.

Sa panayam kay  PNP C/Supt Mario Avenido  ARMM Regional director,  sinabi nito na hindi man niya sakop ang Cotabato City tutulong pa rin sila sa ikalulutas ng kaso.

Sinabi nito na tinawagan na niya si C/Supt. Alex Paul Monteagudo ng PNP Region 12  chief sa ikakalutas ng nabanggit na insidente.

Sa panayam naman kay Noraisa Dimapanat, sinabi niya ang tanging naisip nila na motibo sa insidente ay ang nangyaring pamamaril sa kanyang kapatid na ikinasugat nito at pagkamatay ng isang Gerome Domingo.Panglawa ay ang hidwaan sa pagitan ni Director Dimapanat at kanyang mga empleyado.

Sinabi ni Dimapanat malamang na gumanti sa kanya dahil sa pagkatangal sa kanilang mga trabaho.

Ang iba naman umano ay hindi mapagbigyan sa kanilang aplikasyon dahil hindi naman, aniya, kwalipikado. Wala manang naiulat na nasugatan sa nabanggit na insidente. Napag-alaman na nasa Manila si Dimapanat ng maganap ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply