Bahay ng mayor sa Tacurong City pinasabugan

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga residente ng lungsod dakong alas-7:30 kagabi.

Ayon kay PSSupt. Rolen Dela Cruz Balquin ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, puntirya umano ng pagpapasabog ay ang bahay ni President Quirino Mayor Emilio Salamanca sa Lapu-Lapu Street ng lungsod.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon upang matukoy kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng pagpapasabog.

Sinabi pa ni Balquin na wala namang nasugatan sa pangyayari.

Nadagdag na din ng mga pulis sa lugar para sa seguridad ng nasabing alkalde at ng mga residente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply